Dito sa ibang bansa lalo na sa Middle east nag lipana din ang mga kapwa nating mapag samantala. Minsan pa sila ay parang mga anghel na bukas puso at handang tumulong sa ating kapwa OFW. Di naman lahat pero meron talaga nag balat kayo lamang at kung maka hanap ng paraan gagawin na ang lahat masunod lang ang gusto nila bahala na mapahamak ang isang kapwa OFW.
Meron akong sulat pinadala sa aking ng isa kong kaibigan at kapwa OFW. Habang binabasa ko ito ay talagang na antig ang aking puso dahil di biro ang malaking halagang pera sa pag babayaran mo na iba naman ang nakinabang. Ang masaklap pa nito, ang isang tao pang binigyan mo ng oportunidad na makapag tarabaho sa inyong kumpanya.
Basi naman sa sarili kong naranasan dito, ito ay parang naulit lang sa isa kong kaibigan dito sa Oman, isang mabait na kaibigan na gusto maka tulong sa kapwa OFW, ang nangyari pa ninakwan ng isang mamahaling alahas at biglang lumayas at hangagang ngayon ay hindi pa nabawi ang ninakaw.
Sana naman ito ay maging aral sa ating mga OFW at sa iba pang Pilipino na huwag basta basta maniwala sa Kapwa lalo na pag pera at malaking halaga ang nakataya.
Dapat isipin muna natin ang ating sariling kapakanan bago ang iba.
Ito ang sulat na ipinasa sa akin:
Baka kakilala nyo ang taong ito!
VERY BAD!
Magandang Araw Po sa Lahat!
Minarapat ko na isulat sa ating lenguahe ang kahiya hiyang ginawa ng taong ito sa aking kapatid at para na rin di malaman ng ibang lahi ang kasamaang ginawa nito at mawalan ng tiwala sa mga Pinoy. Kapitbahay nila ito dati at dahil sa kagandahang loob ng ate ko ay pinasok sa kanilang kumpanya. Ang ate ko ay awtorisadong tao para mag deposito, or makipag-usap sa bangko ng bawat transakyon nya doon. Ito si Jem na to ay P.R.O. nila at sya ang gumagawa ng pagbabayad or anumang transaksyon sa bangko na inuutos ng management sa ate ko at sya ang nagsasabi dito sa P.R.O. na to.
Nung July 19, 2009, may perang tinakbo ang taong ito na humigit kumulang 250,000 dirhams. Dahil ang ate ko ang nagrekomenda sa taong ito, at sya ang nagsasabi sa bangko na pwede i-encash ng taong ito ang pera dahil sa mga pambayad ito ng visa. Nalalagay po sa panganib ang ate ko ngayon. Sinabi kasi ng Jem na ito na bukas na lang ibabayad yung pera, kinutuban ang ate ko pero dahil may tiwala rin sya na babalik ito kinabukasan sa opisina, ayun at nasa eroplano na kinabukasan at nasa Pilipinas na ang magnanakaw!
Sa ating mga kababayan, ang ate ko ngayon ay nadidiin at merong 48 hours na lang para gawin nya lahat makakaya nya at mabawi ang pera. Kung may alam man kayong maitutulong ay malaking pasasalamat ko na at sa pagbasa ng email na to.
Nasa Manila na sya kahapon ng alas diyes ng umaga. Baka kilala nyo sya at malaman ko kung anong exact address nito para makagawa na rin ng action ang mga kakilala natin sa pinas..
Wag po natin sana gayahin ang mga taong ganito. Pinagmalasakitan mo na...binigyan ka pa ng problema.
Maraming salamat po!
May larawan pong kasama ang sulat na ito pero hindi po naman kasi verified ng may akda ang talagang nangyari minarapat kong hindi ilagay ang larawan ng nasasabing suspek.
No comments:
Post a Comment